^

Metro

Bus nagliyab sa EDSA: 2 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pasahero ang nasugatan nang magkatulakan sa pagmamadaling bumaba sa nasusunog na bus sa EDSA carousel  sa bahagi ng Makati City, kamakalawa ng gabi.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.

Nabatid na pasado alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Ayala Avenue.

Sa pahayag ng driver ng BovJen bus na si Roel Salarsa nakita niya na umuusok ang huling bahagi ng bus at umapoy. Ihininto niya kaagad ang sasakyan at binuksan ang lahat ng bintana dahil sa usok na pumapasok sa loob ng bus. Binuksan din ang pintuan upang makababa ang mga pasahero.

Nataranta umano ang mga pasahero kaya nagkaroon ng tulakan.

Sinabi naman ng kinatawan ng bus company na sasagutin ng management ang gastusin sa pagpapagamot sa dalawang pasahero.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with