^

Metro

Parañaque mayor, pinaiimbestigahan ang ‘ghost employees’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabubusisi ni ­Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang documents at records ng mga kawani upang matukoy ang mga diumanoy “ghost employees” na ginugugulan ng malaking badyet ng lungsod.

Sinabi ito ng alkalde kahapon matapos mapansin ang discrepancies mula sa mga records at dokumento na ipinasa ng Human Resource Management Office at iba pang mga departamento, kabilang ang City Budget Office.

“Pinaghihinalaan namin na ang katiwalian na ito ay matagal na nangyayari sa lungsod,” ani Mayor Olivarez.

Ayon sa alkalde, matagal na niya itong pinaghihinalaan matapos siyang masabihan na higit 8,000 ang mga kawani ng munisipyo. Hindi kalaunan, bumaba naman sa 7,600 ang bilang, ngunit hanggang ngayon ay wala pang opisyal na datos ang naipapasa sa kanya.

“Kami rin ay nagtataka dahil noong una naming inatasan ang bawat departamento na magpasa ng listahan ng kanilang mga empleyado, napansin namin na dumami ang mga ‘empleyado kuno’ na umalis sa payroll,” giit niya.

Binuo rin ng isang komite na inatasang mag-imbestiga na pangungunahan ni City Administrator Atty. Voltaire dela Cruz.

Pinayuhan naman ang lahat ng kawani na magpatuloy lamang sa kanilang tungkulin at wala rin rank-and-file employees ang natangggal sa kanilang mga trabaho upang mas maging matatag at maganda ang working relationship ng lahat.

Gayunman, inatasan niya ang lahat ng departamento na magpasa ng personnel list para linisin kung may ‘ghost employee’ at t bawasan ang ‘bureaucratic fat’  para mas magamit lubos ang pondo ng lungsod para sa mga programa at serbisyo na makakatulong para sa mga residente ng Parañaque.

Iginiit ng alkalde na dahil sa mga nakitang discrepancies ay kumilos na sila upang maprotektahan ang kaban ng bayan.

vuukle comment

GHOST EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with