Paghahain ng kaso sa mga pulis sa ‘missing sabungero’ suportado ng NCRPO
MANILA, Philippines — Sumang-ayon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major. General Jonnel Estomo sa panibagong development sa pagsasampa ng mga kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga pulis na umano’y sangkot sa pagkawala ng apat na sabungero sa Cavite.
Nasa loob pa rin ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang mga sangkot na pulis matapos iutos ni Estomo ang pagsasailalim nila sa ‘restrictive custody’ makaraang simulan ng Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) ng NBI ang imbestigasyon kaugnay sa insidenteng ito ilang buwan na ang nakararaan.
Inirekomendang sampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa Anti-Enforced o Involuntary Disappearance Act ang mga sangkot na tauhan ng NCRPO.
Tiniyak ni Estomo na makikipagtulungan sila sa anumang yugto ng imbestigasyon o paglilitis sa korte habang umuusad ang kaso.
- Latest