Higit sa P2 taas presyo ng petrolyo, lalarga ngayong Martes
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ng Martes January 24 ay magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng mahigit P2 taas sa kada litro sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
Sinasabing ito na ang ikalawang sunod na linggo na nagpatupad ng big time oil price hike ang mga kompanya ng langis dulot ng epekto sa galaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, sila ay magtataas ng P2.80 kada litro sa presyo ng gasolina,P2.25 kada litro sa diesel at P2.40 sa kerosene.
Ayon sa Cleanfuel, ganito rin ang taas presyo sa petrolyo na kanilang ipatutupad maliban sa kerosene.
Alas-6 ng umaga ipatutupad ang oil price hike ng oil firm maliban sa Cleanfuel na magsisimulang ipatupad ang taas presyo ng alas-4:01 ng hapon.
- Latest