^

Metro

Bodega sa Muntinlupa, nasunog: P20 milyong halaga ng ari-arian natupok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P20 milyon ang halaga ng mga ari-arian na napinsala sa nang masunog ang isang bodega sa Muntinlupa City, Linggo ng hapon.

Dakong alas-3:21 ng hapon ng kamakalawa nang maganap ang sunog sa sto­rage facility na matatagpuan sa Maligaya Street, Tepaurel Compound sa Barangay Putatan, Muntinlupa.

Sinabi ni Mayor Ruffy Biazon na ang pasilidad ay pagmamay-ari ng Francois Lesage, isang non-government organization na katuwang ng pamahalaan ng Muntinlupa City sa pag-convert ng mga plastic residual wastes sa sustainable construction materials.

Naapula ang apoy dakong alas-4:36 ng hapon, na wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with