^

Metro

Tambak ng basura nagkalat sa Metro Manila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya ang isang environmental watchdog sa mga tambak ng basura na naiwanan sa mga kalye ng Metro Manila matapos na salubungin ng mga Pinoy ang taong 2023 nitong Linggo.

Ayon sa EcoWaste Coalition sa isinagawang ocular monito­ring kahapon ng kanilang grupong “Basura Patrollers”, naobserbahan ang bundok ng Metro trash, kabilang ang mga food waste, disposable be­verage at food containers, at iba pang mga basurang naiwan mula sa mga pagtitipon at mga party na isinagawa sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kasama rin sa mga basurang naiwan ay mga debris ng fireworks at firecrackers, lalo na sa mga matataong residential areas.

Maging ang mga kalsada anila na hindi naman itinakda bilang firecracker zone ng mga otoridad ay nakitaan din ng mga tira-tirang paputok.

Anang EcoWaste, sa projection ng National Solid Waste Ma­nagement Commission (NSWMC), ngayong 2023, ang mga basurang naipon sa Metro Manila ay maaaring umabot sa 3.7 milyong tonelada.

Ani Benosa, ang national at international “Zero Waste Month” ay inoobserbahan ngayong Enero, kaya’t napapanahon upang matutunan ng publiko ang mga zero waste strategies.

vuukle comment

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with