^

Metro

Lacuna sa mga Manilenyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lacuna sa mga Manilenyo
“Let us all welcome the New Year in one piece,” ani Manila Mayor Honey Lacuna .
Edd Gumban

Salubungin ang Bagong Taon na buo ang katawan

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga taga-Maynila na salubungin ang Bagong Taon na buo ang katawan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga paputok at sa halip ay gumamit ng ibang pampaingay.

“Let us all welcome the New Year in one piece,” ani Lacuna.

Sa kanyang apela, bukod sa mapanganib sa buhay at pisikal na katawan ang mga pa­putok, mas mahal at magastos ito kumpara sa paggamit ng magpapaingay tulad ng mga kaserola, kaldero at iba pa.

Aniya, sumusuporta ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa firecrackers ban at tiwala siyang ipatutupad ito ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni P/Brig. Ge­neral Andre Dizon.

Iwas din sa polusyon sa hangin kung walang gagamit ng mga paputok na maaaring magdulot ng karamdaman.

Gayunman, tiniyak ni Lacuna na ang anim na city-run hospitals ay inilagay na sa alerto simula ngayong araw, Disyembre 30 upang tumanggap ng mga pasyente na naputukan o with firecracker-related injuries.

vuukle comment

HONEY LACUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with