Aplikasyon ng special permit sa PUVs para sa Undas, binuksan na ng LTFRB
MANILA, Philippines — Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon ng Special Permit ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) para sa Undas.
Ito’y bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya para gunitain ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Kaugnay nito, hinikayat ng LTFRB ang mga PUV operators na mag-apply nang maaga upang makuha agad ang kanilang Special Permit at makapaghanda nang maaga para sa kanilang biyahe sa Undas.
Kinakailangan lang na dalhin ng mga ito ang mga documentary requirements gaya ng OR/CR ng mga sasakyan, Personal Passenger Insurance Policy at Franchise Verification
Nagpaalala ang ahensya sa mga operator at driver na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng ahensya sa pagpasada.
Nagbanta ang LTFRB na papatawan ng kaukulang parusa base sa mga kundisyon ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC), Special Permit at ng Joint Administrative Order ang sinumang mahuling hindi susunod sa alituntunin ng ahensya.
- Latest