Rollback uli asahan
P2 SA Gasolina, P1.50 sa diesel
MANILA, Philippines — May inaasahan na namang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na nagkaroon ng rollback sa petrolyo.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahang bababa ng may P1.70 hanggang P2 sa kada litro habang ang diesel at kerosene ay bababa ang halaga ng may P1.20 hanggang P1.50 kada litro.
Ang presyo ng LPG ay bababa ng may P1 hanggang P2 sa kada litro.
Umaabot na sa P7.15 ang naibaba sa presyo ng diesel at kerosene habang ang presyo ng gasolina ay nagbaba na ng may P3.05 per liter.
- Latest