^

Metro

Real property owners sa Maynila, hinimok magbayad online

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga real property owner sa lungsod na magbayad sa pamamagitan ng online na mas pinahusay sa pagpapalabas ng e-statement of account (SOA) at e-receipt.

Nilinaw ng alkalde na maaari rin naman ang manu-mano o manual na pagbabayad ng real property tax (RPT)  o sa pamamagitan ng online na Go Manila app, gamit lamang ang cellphone, Ipad o computer.

Sa manu-manong pagbabayad, binanggit ni Lacuna ang abala sa pagpunta sa Manila City Hall at pagdating doon, bukod sa pagtatanong ay kailangan pang pumila para makuha ang SOA at bago ang tuluyang pagbabayad.

“Ito po ang iniiwasan natin kaya ine-encourage natin ang ating mga kababayan na gusto nang magbayad ng RPT to go online kasi ang kagandahan ng online, may binibigay nang e-SOA  at e-receipt,” ani Lacuna. “Once you have entered the Go Manila app, go to RPT payment where you will enter your tax declaration number and property identification number, from which your SOA will appear and then, you can choose whether to pay quarterly or yearly”,paliwanag ni  Lacuna.

Maari ring pagpilian ang mode of payment na money transfer, mula sa bangko o sa Gcash na may e-OR o e-receipt.

Kasabay nito, inanunsyo na rin ni Lacuna na sa mga makapagbabayad bago pa ang Disyembre 10, makatitipid sila dahil sa ibibigay na 20% diskuwento habang 15% diskuwento naman ang makukuha  ng mga magbabayad sa loob ng Disyembre 11 hanggang Dis. 29. Sa mga magbabayad ng Enero, may makukuha pa ring diskuwento na 10 porsyento.

vuukle comment

HONEY LACUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with