^

Metro

UV express muling inihirit ang P1 taas-pasahe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
UV express muling inihirit ang P1 taas-pasahe
Ito’y kasunod na rin nang ginawang pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtaas ng pasahe sa mga jeep, taxi, at transport network vehicle service, ngunit hindi kasali ang mga UV Express.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Muling iginiit ng isang grupo ng UV Express drivers kahapon ang P1 dagdag-pasahe para sa kanilang mga sasakyan.

Ito’y kasunod na rin nang ginawang pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtaas ng pasahe sa mga jeep, taxi, at transport network vehicle service, ngunit hindi kasali ang mga UV Express.

Nanindigan si Alliance of UV Express Association of the Philippines secretary-general George Jalandoni na rasonable ang hinihingi nilang P1 dagdag pasahe para sa kanilang mga sasakyan.

“Yung krudo po kasi natin talagang hindi na po makaya nung ating mga operators, drivers so we decided na at least humingi ng resonable na increase po,” paliwanag pa ni Jalandoni.

“Kasi nakikita namin sa study na it will (be) enough. Kasi medyo sensitive rin kasi tayo with the pasahero natin so, ‘yung ayaw naman natin na masyadong mataas ‘yung kanilang pamasahe,” aniya pa.

Inihayag ni Jalandoni na bagamat naibalik na ang halos lahat ng kanilang mga pre-pandemic na ruta ay hindi pa rin naman bumabalik ang dating dami ng mga pasahero.

Kaugnay nito, nanawagan rin di Jalandoni sa kanilang mga pasahero na unawain ang kanilang hiling na dagdag-pasahe.

Tiniyak rin niya na makakaasa ang mga pasahero tutumbasan nila ng kaayusan at magandang serbisyo ang hinihingi nilang taas pasahe.

Una naman nang sinabi ng LTFRB chairperson Cheloy Garafil na dinidinig pa nila ang petisyon ng mga UV Express drivers.

vuukle comment

UV EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with