34 na suspek, timbog sa serye ng operasyon sa Quezon City
MANILA, Philippines — Nasa 34 katao na mga suspek sa iba’t ibang kaso ang inaresto ng pulisya sa round-the-clock operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod, nabatid kahapon.
Ayon pa sa ulat, isinagawa ang pag-aresto sa buong magdamag lamang sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Aniya, kabilang sa mga naaresto ang 10 drug suspects at 11 sugarol na sangkot sa iba’t ibang uri ng ilegal na sugal.
May 13 most wanted persons din silang natunton sa operasyon.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang QCPD dahil sa matagumpay nitong operasyon.
“Kapuri-puri at hindi matatawaran ang dedikasyon at komitment ng mga kapulisan ng Quezon City Police District sa pamumuno ni PBGEN Nicolas D Torre III, dahil sa kanilang pinaigting na police visibility at mandato kontra kriminalidad ito ay nagresulta sa pagkahuli sa mga suspek,” ayon kay Mayor Joy.
- Latest