50 bus driver sumailalim sa road safety seminar
MANILA, Philippines — Nasa 50 bus driver na bumibiyahe sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX) araw-araw ang nabigyan ng road safety tips habang patuloy na tumataas ang local travel demand.
Ang seminar ay isinagawa ng One Cavite Transport Consortium Inc. at ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ang 50 driver na dumalo sa seminar ay mula sa mga bus transportation companies ng Saulog Transit, Westcaboa, at Saint Anthony De Padua.
Sinabi ng Metro Pacific Tollways South (MPT Couth) na patuloy itong magsusulong para sa kaligtasan sa kalsada lalo na ngayong bumalik na ang normal na trapiko at ang mga bus at iba pang pampublikong sasakyan ay nasa mga kalsada.
Umaasa ang MPT South na ang “Drayberks” road safety orientation program ay makakatulong sa mga driver na maging mas mulat sa pagiging defensive driver.
“This mindset of safety is valuable in keeping the bus drivers, other PUV drivers, and other motorists safe whilst sharing the road with one another” ani Arlette Capistrano, Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South.
Ang “Drayberks” ay isang award-winning na social advocacy ng MPT South na nagtuturo sa mga motorista sa kaligtasan sa kalsada at nagpapakita kung paano nila maaaring samantalahin ang mga tampok na pangkaligtasan ng expressway.
- Latest