^

Metro

Pumatay sa kaibigan, 13 taon nagtago, arestado!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pumatay sa kaibigan, 13 taon nagtago, arestado!
Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), si Ricky Candelaria ay una nang nadakip noong 2003 kaugnay sa kasong homicide subalit nagtago matapos pansamantalang makalaya sa bisa ng piyansa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos magtago ng 13 taon, swak na sa New Bilibid Prisons (NBP) ang isang 37-anyos na lala­king nakapatay sa kaniyang kaibigan matapos maaresto kahapon sa Muntinlupa City.

Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), si Ricky Candelaria ay una nang nadakip noong 2003 kaugnay sa kasong homicide subalit nagtago matapos pansamantalang makalaya sa bisa ng piyansa.

Taong 2009 nang ma-convict si Candelaria sa kabila ng hindi niya pagdalo sa mga pagdinig sa korte.

Ang kasong homicide ay nag-ugat sa madugong engkuwentro sa pagitan ni Candelaria at kaibigan na naganap sa nasabing lungsod.

Habang nagluluto umano si Candelaria sa labas ng kaniyang bahay nang atakihin siya ng kaibigan.

“Hindi sinasadya po ‘yung pangyayari. Bigla niya po akong sinaktan. Sinipa po ako, tapos pinalo ako ng syanseng mainit. Kinuha ko po yung kutsilyong pangluto, tinamaan po siya sa paa. Kaya po siya may sugat sa kamay, inaagaw kasi niya ‘yun,” ani Candelaria.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit namatay din dahil sa rami ng nawalang dugo at tuluyang atakihin sa puso.

Naikwento ni Candelaria na sa panahong siya ay nagtatago ay nagtrabaho siya bilang pintor upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang anak.

Nakatakda nang ilipat sa NBP si Candelaria upang bunuin ang sentensiya.

vuukle comment

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with