^

Metro

COVID-19 positivity rate sa NCR, lalo pang sumipa - OCTA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 positivity rate sa NCR, lalo pang sumipa - OCTA
A few days after the start of implementation of the executive order on the voluntary wearing of masks outdoors, some church-goers still don masks while attending the devotional mass at the Plaza Miranda fronting the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila on September 16, 2022.
STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipino na nagpo-positibo sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo, ayon sa OCTA Research group.

Sa pinakahuling datos, nagpakita ang average positivity rate o bilang ng mga nagpositibo sa kabuuang COVID-19 tests sa rehiyon ng pagtaas na 12.9% sa nakaraang linggo hanggang 15.9 % nitong Setyembre 15.

Una nang sinabi ni OCTA fellow Guido David  na ang kasaluku­yang pagtaas ng positivity rate ay maaring lu­magpas ng 17.5 %, ang nakaraang pagtaas ay naiulat noong Agosto 5.

Ani David, ang reproduction number, na nagpapahiwatig ng bilang ng mga tao na maaaring mahawa ng isang positibong indibidwal, ay tumaas din mula 1.03 noong Setyembre 5 hanggang 1.2 noong Setyembre 15.

Batay sa datos, ang daily average ng mga bagong kaso sa NCR ay tumaas mula 746 noong Setyembre 2 hanggang 8, 882 mula Setyembre 9 hanggang 15.

Nauna nang nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang naiulat na pagtaas ng mga bagong kaso ay hindi dahil sa bagong patakaran na optional ang pasgsusuot ng face mask sa outdoor settings dahil maaaring tumagal ng isa hanggang dalawang linggo bago masuri ang epekto nito.

vuukle comment

COVID-19

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with