Maynilad lumikha ng 397K jobs mula 2007
MANILA, Philippines — Lumikha ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng may 397,000 trabaho mula nang maisapribado ang kompanya noong taong 2007.
Bunsod nito, gumastos ang kompanya ng may ?134 bilyong pondo para palitan ng bago ang mga lumang tubo ng tubig, pag-upgrade ng water facilities, pagtatayo ng sewage at septage treatment plants, at pag develop ng alternatibong raw water sources at iba pang capital expenditure (Capex) projects.
Ang mga empleyadong nabigyan ng trabaho ay kabibilangan din ng mga na-hire ng mga contractors at suppliers na nakakontrata sa Maynilad bilang major client.
Ngayong 2022, inaasahang gagastos ang Maynilad ng may ?13 bilyon hanggang ?16 bilyon para sa kanilang Capex projects kasama na dito ang pagtatayo ng bagong treatment plants, paglalagay ng bagong pipelines, rehabilitasyon at pag-upgrade ng mga pasilidad at reinforcement works para sa climate change adaptation initiatives.
“Notwithstanding the effects of the pandemic on our operations, we continue to implement the infrastructure projects that create job opportunities, as well as sustain the water services that stimulate the economy,” pahayag ni Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez.
- Latest