^

Metro

Publiko, pinag-iingat sa scammers na nagpapanggap na taga-OVP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Publiko, pinag-iingat sa scammers na nagpapanggap na taga-OVP
Ang babala ay ginawa ni OVP spokesperson Atty. Reynold Munsayac kahapon kasunod ng mga ulat na isang suspek, na nagpapanggap umanong empleyado ng OVP, ang naaresto sa Bulacan matapos na mag-solicit ng tulong pinansiyal mula sa Region 3 office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Office of the Vice President (OVP) ang publiko laban sa mga tao at grupo na nagpapanggap na empleyado nila upang makapanloko.

Ang babala ay ginawa ni OVP spokesperson Atty. Reynold Munsayac kahapon kasunod ng mga ulat na isang suspek, na nagpapanggap umanong empleyado ng OVP, ang naaresto sa Bulacan matapos na mag-solicit ng tulong pinansiyal mula sa Region 3 office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaugnay nito, pi­nayuhan din ni Munsayac ang publiko na beripikahin muna ang pagkakakilanlan ng mga taong nagpapakilalang tauhan ng OVP.

Hinikayat din ni Munsayac ang publiko na kaagad na ireport sa mga otoridad kung makakaranas sila ng ganitong mga insidente.

“Makakatulong din po ang pagbibigay sa OVP, PNP, at NBI ng mga litrato at videos ng mga tao na nagpapanggap na empleyado ng OVP,” ani Munsayac.

Ang opisyal na hotlines o numero ng OVP ay 8532-5942  at 8370-1719.

vuukle comment

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with