^

Metro

13-anyos nakaligtas sa pagdukot ng puting van sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
13-anyos nakaligtas sa pagdukot ng puting van sa Caloocan
Sinabi ni Maj. Brian Ramirez, Caloocan City Police Station (CCPS) Sub-station 6 (SS6) commander, bineberipika pa nila ang mga de­talye mula sa biktima na ngayon ay nasa CCPS Wo­men’s Desk.
Freeman

MANILA, Philippines — Nakaligtas mula umano sa pagdukot ng mga kalalakihan na sakay ng puting van ang isang 13-anyos na dalagita habang papauwi nitong Martes sa Caloocan City.

Sinabi ni Maj. Brian Ramirez, Caloocan City Police Station (CCPS) Sub-station 6 (SS6) commander, bineberipika pa nila ang mga de­talye mula sa biktima na ngayon ay nasa CCPS Wo­men’s Desk.

Batay sa Facebook ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Brgy. 162 lumilitaw na naganap ang insidente dakong alas- 2:30 ng hapon ng Martes.

Papauwi na ang biktima nang mapansin nito ang isang puting van na nakaparada sa harap ng Del Rey Village 3.

Tatlong lalaki ang lumabas sa van at pilit na isinasakay ang biktima. Subalit sumigaw ang biktima at humingi ng tulong na nakatawag naman ng pansin ng isang tricycle driver.

Bigo ang mga suspect na tangayin ang biktima. Agad namang naiuwi ang biktima.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Brgy. 162 sa tricycle driver na tumulong sa biktima. Posibleng may nalalaman pa itong ibang detalye sa insidente.

Ayon kay Ramirez sasailalim sa counseling ang biktima.

“Pinapaimbestigahan ko pa sa sub-station commander ‘yung pangyayari at nagpapaback-track ako sa mga CCTV foo­tage doon sa area para maibangga doon sa sinasabi ng victim ,” ani CCPS Chief Col. Samuel Mina.

vuukle comment

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with