Taas-pasahe sa bus, dedesisyunan na - LTFRB
MANILA, Philippines — Magpapalabas na ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa petisyon ng mga bus operators na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong bus sa susunod na linggo.
Ayon kay LTFRB chairperson Cheloy Garafil, hinihintay na lamang ng ahensiya ang position paper na ilalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Agosto 17 hinggil sa bus fare hike para mailabas na nila ang desisyon para dito.
Sinabi ni Garafil na submitted for resolution na ang fare hike petition ng mga bus operators sa pagtataas sa singil sa pasahe sa bus kaya’t wala ng pagdinig na gagawin para dito.
“We admit that there’s really–yung gas prices ay talagang tumaas na since the last fare increase sa buses. But we also recognize na magkakaroon talaga ito ng impact sa ating mga pasahero that’s why we’re very, very careful,” dagdag ni Garafil.
Hirit ng mga bus operators na maitaas ng mula ?4 hanggang ?7 ang pamasahe sa bus upang mabawasan ang epekto sa kanilang hanapbuhay ng matinding taas sa presyo ng petroleum products.
Taong 2018 pa huling nagtaas ng pasahe sa mga pampasaherong bus.
- Latest