3 tiklo sa shabu, boga sa Valenzuela
MANILA, Philippines — Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang ginang matapos makuhanan ng shabu at baril sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga suspek na sina Ronnie Casador alyas Ronron, 34; Danilo Gaspar, 52 at Mercy Macaday, 47.
Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-8 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU ng buy-bust operation sa Mindanao Avenue, Brgy. Ugong kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek.
Nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng sachet ng shabu, agad na inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.
Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 gramo ng hinihinalang shabu at isang cal. 38 revolver na may apat na bala.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip.
- Latest