Las Piñas fire: Mag-asawang senior, patay
MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang septuagenarian nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa BF Homes sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Las Piñas City Police ang mga biktimang sina Rolando B. Tablizo, 78 at Hortencia C. Tablizo, 78, ng 14 Lovely Road, BF Homes, Almanza Dos ng nabanggit na lungsod.
Nagsimulang sumiklab ang apoy sa bahay ng mag-asawa dakong alas-10:00 ng gabi ng Agosto 5 at idineklarang fire-out alas-11:00 ng gabi.
Patuloy pang iniimbestigahan kung anong sanhi ng sunog na tumupok sa bahay ng mga biktima at sa kanilang sasakyang Ford Ranger.
Bago ang sunog ay may narinig na dalawang malakas na pagsabog mula sa nasabing bahay.
Pinaniniwalaang na-suffocate umano ang mag-asawa dahil sa makapal na usok buhat sa sala ng bahay kaya nahirapan nang maka- labas ang mga ito.
- Latest