^

Metro

Rapist-killer ng ginang, arestado 

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rapist-killer ng ginang, arestado 
Isa umanong sca­venger na kinilalang si Dionisio Alvaro, 38, ang dinakip kamakalawa sa Brgy. Sucat, ani Southern Police District spokesperson Maj. Hazel Asilo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaking suspect sa panggagahasa at pagpatay sa isang 25-anyos na babae na itinapon sa isang masukal na lugar sa Muntinlupa noong Martes, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon.

Isa umanong sca­venger na kinilalang si Dionisio Alvaro, 38, ang dinakip kamakalawa sa Brgy. Sucat, ani Southern Police District spokesperson Maj. Hazel Asilo.

“I am incredibly grateful for the hard work and commitment of team NCRPO most particularly the personnel of Muntinlupa police station in carrying out its mandate and looking for the suspect responsible for such heinous crime,” pahayag ni  NCRPO director Maj. Gen. Felipe Natividad.

Itinuro umano ng ­ilang witness si Alvaro na may kagagawan sa panggagahasa at pagpatay sa biktimang si Ayra Mae Garcia, na natagpuang duguan ang mukha at walang saplot pang-ibaba sa East Service Road, sa Brgy. Sucat.

Siya ay idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa.

Pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay ang mukha ng biktima saka ito hinalay.

Kausap pa ng biktima sa cellphone ang kanyang kinakasamang si Virgilio Esguerra kung saan narinig pa nito ang pagsigaw at paghingi ng tulong ng una nang atakihin ng suspect.

Plano na umanong magpakasal ng dalawa na may dalawa nang anak.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with