^

Metro

2 bagong EDSA Busway Stations, binuksan ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 bagong EDSA Busway Stations, binuksan ng DOTr
Commuters wait in long queues for a "Libreng Sakay" by the Department of Transportation at the EDSA Carousel Bus Station along Main Avenue on Monday morning, July 18, 2022.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang pagbubukas kamakalawa ng dalawang karagdagang bagong busway stations.

Nabatid na ang pagbubukas ng Roxas Boulevard at Taft Avenue Busway stations ay bahagi ng layunin ng DOTr na maipagpatuloy ang pagpapahusay sa road transport sector sa bansa.

“Dito po sa Department of Transportation, hindi po tayo titigil. Mag-iisip tayo ng paraan para magkaroon po ng accessible, affordable, convenient and safe travel para sa ating lahat,” ayon kay Bautista.

Ang EDSA Busway project ay isang joint undertaking ng DOTr, Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Anang DOTr, ang EDSA Busway system ay itinayo upang makatulong na mapaikli ang travel time mula sa Pasay City hanggang Monumento sa Kalookan ng mula 2-3 oras, hanggang isa at kalahating oras na lamang.

Pinuri naman ni Bautista ang private at government partnership sa kanilang suporta para sa pagsusulong ng ligtas at kumportableng biyahe para sa mga commuters.

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong para ito ay maganap. Unang-una sa MMDA. Nagpapasalamat din ako sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Sila po ay instrumental para maitayo itong additional bus stations natin,” ani Bautista. “Nagpapasalamat din ako kay LTFRB Garafil sa mga ganitong additional facilities para maibsan ang hirap ng ating mga mananakay.”

vuukle comment

DOTR

EDSA CAROUSEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with