Las Piñas , No. 2 most compliant sa DSWD-NCR 4Ps programs
MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar sa Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) sa pagkilalang ibinigay sa pamahalaang lungsod bilang No. 2 most compliant sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni Mayor Aguilar na nakakuha ang pamahalaang lungsod ng 98.4 compliance sa health, education, deworming categories, at family development sessions.
Ayon sa alkalde, sa pagsusumikap ng mga miyembro ng City Social Welfare and Development Office, CityLinks at Social Welfare assistants sa patuloy na pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa mga residenteng kabilang sa kategoryang 4Ps kaya nakuha ng lungsod ang No. 2 rank.
Sinabi ng alkalde na nakibahagi rin ang City Health Office, Department of Education (DepEd) at Local Development Council sa pagbibigay prayoridad sa mga programa para sa 4Ps.
Aniya, sa mga nakalipas na taon, nasa ika-13 rank ang Las Piñas sa mga lokal na pamahalaan sa NCR.
Bahagi aniya, ang pagtugon sa 4Ps programs ng kaniyang administrasyon sa “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo”.
Sinabi ng alkalde na ika-2 ang pamahalaang lungsod sa isinagawang Local Advisory Council meeting ng DSWD-NCR.
- Latest