^

Metro

Holdaper pumalag, sugatan sa mga pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bantay-sarado sa pagamutan ang isang motorcycle rider na sugatan matapos maka-engkuwentro sa choke point ng mga tauhan ng Las Piñas Police Station matapos ireklamo ng isang Indian national ng panghoholdap, sa Barangay Talon, Las Piñas City, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Gian Bautista, 37 anyos, residente ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Dakong alas-12:20 ng tanghali kahapon nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng Las Piñas Police at suspek sa harapan ng isang fastfood chain sa Casimiro intersection, Brgy. Talon Uno, Las Piñas City.

Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa kahabaan ng Grandeur, Marcos Alvarez Avenue, inireport ng isang Narinder Singh, 37, Indian national, na hinoldap siya ng isang lalaking sakay ng ADV motorcycle na walang plate number at tumakas patu­ngong Alabang-Zapote road. Itinawag ito sa kasamahan na agad namang nagsagawa ng choke point sa harap ng isang fastfood chain na matatagpuan sa intersection ng Casimiro kung saan sinita ang suspek para sa beripikasyon subalit bumunot umano ng baril kaya nauwi sa engkuwentro.

Tinamaan ang suspek na agad dinala sa Las Piñas District Hospital.

Narekober sa suspek ang isang .45 Melinium Taurus pistol na kargado ng walong live ammunition, isang gray na Honda ADV na walang plaka, pitong cellphone na iba’t ibang brand, isang belt bag na naglalaman ng gintong kuwintas, singsing, relo, assorted ID’s at cash na ?45,170.

 

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with