^

Metro

Ateneo shooter sinampahan ng patung-patong na kaso

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ateneo shooter sinampahan ng patung-patong na kaso
This photo shows the suspect in the Ateneo shooting, identified by the Quezon City Police District as Chao Tiao Yumol, on July 24, 2022.
The STAR/Michael Varcas

Baril na ginamit, pag-aari ng tinyente

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng patung-patong na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) sa pisklaya ang isang doktor na siyang namaril sa loob ng Ateneo de Manila University sa ­Quezon City noong Linggo, na ikinasawi ng tatlong katao, kabilang ang dating alkalde ng Lamitan City sa Basilan.

Ang suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol, 38,  kasalukuyang nakapiit sa Camp Ka­ringal ay sinampahan nitong Lunes ng gabi sa ­Quezon City Prosecutor’s Office ng tatlong bilang ng kasong murder at frustrated murder na may kaugnayan sa Section 29 ng Republic Act 10591 o mas kilala sa tawag na The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (Use of loose firearm in the commission of a Crime), paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016), at malicious mischief na nagkakahalaga ng P80,000.

Kinumpirma naman kahapon ni QCPD director, P/Brig Gen. Remus Medina na pagma-may-ari ng isang aktibong opisyal ng militar ang nakumpiskang baril na ginamit ni Yumol sa pamamaril at pagpatay kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay na dadalo ng graduation exercise ng anak na si Hannah Rose, 25, sa ­Ateneo Law School nitong Linggo.  Namatay rin sa pag-atake ang executive assistant ni Furigay na si Victor George Capistrano at ang rumespondeng guwardiya ng Ateneo na si Jeneven Bandiala, habang nasugatan si Hanna Rose.

Ayon kay Medina, ang ginamit na .45 pistol na baril ni Yumol ay pag-aari ng isang 1st Lt. ­Jeremie Aquino na umano’y executive officer ng 12th Mechanized Company 1st Mechanized Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na naka-base sa Sultan Kudarat.

Sinabi na umano ni Aquino na nawala ang kanyang baril noon pang Nobyembre 2019. Gayunman, sinabi ni Medina na iniimbitahan nila si Aquino upang magbigay-linaw sa pagkawala ng kanyang baril.

“On record ito ay nakapangalan kay 1st Lt. Jeremie Aquino executive officer ng 12 mechanized company 1st mechanized battalion based in Sultan Kudarat,” ani Medina. “According to him nawala po ang baril niya sometime in November 2019 pa so we are inviting him to shed light dito sa pagkawala ng baril niya.”

Una nang inamin ni Yumol na nabili niya ang naturang baril sa black market.

Samantala, nanganga­lap na ang Ateneo ng pondo upang maitulong sa pamilya ng napatay na si Bandiala. Nagkaloob na rin ng financial assistance ang Ateneo para sa pamilya ng naturang nasawing guwardiya.

Related video:

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with