^

Metro

40% ng blood requirement ng Pinas sa dengue patients, naipagkaloob ng PRC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 40% ng blood requirement ng bansa para sa mga pasyente ng dengue ngayong taon ang naipagkaloob ng Philippine Red Cross (PRC).

Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na nakakakolekta ng 15,000 hanggang 20,000 blood units kada araw mula sa kanilang mga donors kaya’t palagi silang may suplay ng dugo sa kanilang mga blood banks.

Sakali anyang mayroong pasyente ng dengue na mangailangan ng blood transfusion, ay maaaring makapagbigay agad ang PRC.

Kaugnay naman ng patuloy na tumataas na mga kaso ng dengue, muling hinimok ng PRC ang publiko na mag-donate ng dugo.

Bukod sa makapag­liligtas na ng buhay ay may benepisyo rin naman ang pagdo-donate ng dugo sa mga donors nito.

“Maganda sa nagbibigay ’yan, because it’s very healthy for you. Para ka lang nagpapa-change oil,” pahayag ng PRC. “Siyempre magre-regenerate ’yung cells kapag nagbigay ka ng dugo. At importante, malay mo kung ’yung kamag-anak mo nangangailangan ng dugo.”

Una nang pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat dahil sa pagtaas ng mga naitatalang kaso ng dengue sa bansa.

vuukle comment

DENGUE

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with