^

Metro

Lasing na Chinese nang-araro ng mga sasakyan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang maiksing habulan, pinosasan ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang Chinese national na nang-araro sa ilang sasakyan saka tinakasan ang mga ito habang nasa impluwensya umano ng alak, kamakalawa ng gabi sa may Tondo, ng naturang siyudad.

Kinilala ang suspek na si Clint Xerwin Kho, 35, ng Aguilar St., Edsa Balintawak, Quezon City.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), una silang nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na isinuplong ang pagbangga sa kaniya ng isang sports utility vehicle (SUV) at saka tumakbo.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MPD-Tactical Motorized Unit hanggang sa matukoy ang sasakyan ng suspek. Sa halip na huminto, humarurot palayo ang behikulo na hinabol ng mga pulis hanggang sa makorner sa may Delpan Bridge dakong alas-6 ng gabi.

Nabatid na kabilang sa binundol ng suspek ang isang motorsiklo na may angkas at sa kaniyang pagtakas ay nakabundol ng iba pang sasakyan sa may Luna Street, Recto Avenue, Dagupan St., Moriones St., J. Abad Santos Ave., at ilang lugar sa Tondo.

Nahaharap ngayon ang dayuhang suspek sa kasong paglabag sa RA 4136 o Reckless Driving resulted to the Multiple Damages of Property sa Manila City Prosecutor’s Office at posibleng “Driving Under the Influence of Alcohol” kapag lumabas na ang resulta ng kaniyang alcohol test.

vuukle comment

CHINESE

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with