^

Metro

Kelot na nahuli sa droga, nadoble ang kaso, mga pulis tinangkang suhulan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kelot na nahuli sa droga, nadoble ang kaso, mga pulis tinangkang suhulan
Sa follow-up report ng MPD-Malate Police Station, dagdag na kasong paglabag sa R.A 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang kahaharapin ngayon ng suspek na si Mark Rovel De Ocampo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dagdag na kaso ang kahaharapin ng isang 43-anyos na lalaki na unang nahuli habang nasa posesyon ang isang iligal na baril at bala, nang tangkaing suhulan ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ng P500,000 para siya mapatakas, nitong Miyerkules ng mada­ling araw.

Sa follow-up report ng MPD-Malate Police Station, dagdag na kasong paglabag sa R.A 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang kahaharapin ngayon ng suspek na si Mark Rovel De Ocampo.

Unang dinakip si De Ocampo dakong alas-2:30 ng Miyerkules ng madaling araw nang pumasok sa isang one-way street sa may Malate, Maynila. Nadiskubre ng mga pulis ang dala niyang 9mm na baril na may 18 bala na walang kaukulang dokumento.

Nang dalhin siya sa Malate Police Station, dito inalok umano ng suspek ang mga pulis na humuli sa kaniya ng P500,000 para siya palayain. Ngunit malas ng suspek nang hindi magpadala sa malaking halaga ng pera ang mga pulis at tuluyan siyang ikinulong at kinasuhan.

Sa pagsusuri sa kaniyang background, natuklasan ng MPD na nahaharap si De Ocampo sa iba’t ibang kaso kabilang ang kidnap-for-ransom ng mga Chinese nationals, carnapping, iligal na droga, at pagpapanggap na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nahaharap pa nga­yon ang suspek sa mga kasong paglabag sa Art 5 Sec. 48 ng RA 4136 (Reckless Driving), Sec. 56 (Failure to Show OR / CR), at RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition).

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with