^

Metro

Binata tinaniman ng bala sa ulo at batok, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang binata nang malapitang barilin sa ulo at batok ng hindi pa nakikilalang gunman sa  Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Abir Gali Aslafal, 27, at residente ng  San Miguel St., Payatas B, Quezon City.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa  nakatakas na suspek.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13), nabatid na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa San Miguel Extension St., sa Brgy. Payatas A.

Ayon kay Cpl. Claire Benavidez, ng PS 13, nakarinig ang mga kapitbahay ng biktima nang magkakasunod na putok ng baril sa labas ng kanilang tahanan.

Nang alamin ang pinagmulan ng putok ay nakita na lamang nila na nakabulagta ang biktima at umaagos ang dugo sa ulo nito.

Namataan pa umano ng mga kapitbahay ang suspek habang papatakas dala ang armas na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para agad na maresolba ang krimen.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with