^

Metro

Ilang kostumer ng Manila Water sa Makati at Quezon City, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ilang kostumer ng Manila Water Company, Inc. sa Makati City at Quezon City ang pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig mula ngayong Hulyo 4, Lunes, hanggang sa Hulyo 6, 2022, Miyerkules.

Sa isang paabiso sa kanilang Twitter account, sinabi ng Manila Water na magpapatupad sila ng water service interruption sa ilang barangay ng Makati at Quezon City sa mga naturang araw dahil sa isasagawang line maintenance activities doon.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Brgy. Pembo, Makati City na makakaranas ng service interruption mula alas-10:00 ng gabi ng Hulyo 4 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Hulyo 5.

Ang bahagi naman ng Brgy. Blue Ridge B, Quezon City ay mawawalan ng suplay ng tubig mula alas-10:00 ng gabi ng Hulyo 4 hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Hulyo 5 habang ang bahagi ng Brgy. Horseshoe, Quezon City ay mawawalan ng suplay ng tubig mula alas-10:00 ng gabi ng Hulyo 5 hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Hulyo 6.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig upang mayroon silang ma­gamit sa mga naturang araw.

Dapat ding magsagawa ang mga residente ng flushing sa sandaling maibalik na ang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar.

Maaari anila itong isagawa sa pamamagitan nang pagpapatulo muna ng tubig sa mga gripo ng ilang minuto hanggang sa tuluyan itong luminaw muli.

vuukle comment

MANILA WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with