^

Metro

Lider ng crime group, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasukol ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang itinuturong lider ng Duero Crie Group sa isang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Jessie Duero, nasa hustong gulang, habang tatlong iba pa ang dinampot at isinasailalim sa berepikasyon.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang magkasa ng operasyon ang Sta. Cruz Police Station 3- Drug Enforcement Unit sa may Oroquiea Street malapit sa Lope De Vega Street, sa Brgy. 312 Sta. Cruz.

Hindi na nakapalag si Duero nang posasan siya ng mga armadong pulis makaraan na magbenta ng ilegal na droga sa ipinain na buyer. Nakumpiska sa suspek ang nasa 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400.00.

Ayon sa pulisya, bukod sa pagbebenta ng ilegal na droga ay sangkot din si Duero at ang kaniyang grupo sa mga insidente ng panghoholdap sa Sta. Cruz at iba pang panig ng Maynila.

Nahaharap ngayon si ­Duero sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with