^

Metro

P3 rollback sa diesel, inaasahan sa susunod na linggo    

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P3 rollback sa diesel, inaasahan sa susunod na linggo     
Sa pagtaya ng mga oil companies, nasa P2.50 hanggang P3.00 sa kada litro ang ibabawas sa ­presyo ng diesel; P0.20 sa kada litro sa gasolina; at sa kerosene na P3.00 hanggang P3.40 sa kada litro.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Makaraan sunud-sunod na oil price hike, may inaasahan namang rollback sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga oil companies, nasa P2.50 hanggang P3.00 sa kada litro ang ibabawas sa ­presyo ng diesel; P0.20 sa kada litro sa gasolina; at sa kerosene na P3.00 hanggang P3.40 sa kada litro.

Bumagsak ang presyo ng langis kasunod ng anunsyo ng 13-bansa na kasapi sa  Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na pinamumunuan ng Saudia Arabia at ng 10 kasosyo nito sa pamumuno ng Russia.

Ang mga pangunahing producer ng langis na pinamumunuan ng Saudi Arabia at Russia ay nananatili sa naunang napagpasyahan na pagpapalakas ng output ngayong linggo, sa kabila ng mga panawagan para sa mas malaking pagtaas upang mapalambot  ang  presyo ng krudo.

Pangunahing nagpalala sa problema sa suplay ng petrolyo at patuloy na pagtaas ng presyo ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

vuukle comment

OPEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with