^

Metro

5 major agenda, palalakasin pa ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
5 major agenda, palalakasin pa ni Mayor Joy
Sina Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama sina Vice Mayor Gian Sotto makaraang pangunahan ang isinagawang panunumpa ng mga nagwaging opisyal sa lungsod. Nasa larawan din sina 2nd district Rep. Ralph Tulfo Jr. (katabi ni Mayor Joy) at mga konsehal mula sa nabanggit na distrito na sina Mikey Belmonte, Candy Medina, Ally Medalla (kanan) at sa kaliwa sina Gody Liban, Rannie Ludovica at Dave Valmocina. Ang inagurasyon ng mga nanalong kandidato sa lungsod ay isinagawa sa EVM Convention sa Central Avenue , kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Limang major agenda ang higit na palalakasin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ikalawang termino  nito bilang alkalde sa lungsod.

Inihayag ito ng alkalde sa ginanap na inagural ceremony ng mga nanalong  opisyal ng QC.

Pinangunahan ni Mayor Joy ang okasyon kasama sina Vice Mayor Gian Sotto  at anim na kongresista sa lungsod at mga konsehal na ginanap sa Eduardo V. Manalo Convention Center sa lungsod.

Sa ikalawang termino ni Mayor Belmonte ay sinabi nito lalo pa niyang palalakasin  ang social services, kalusugan, edukasyon, digitalization  at economic programs na  higit na pakikinabangan ng mga taga-lunsod

Sa kanyang inagural speech sinabi niya na sa social services pa lamang mula P9.8 Bilyong pondo noong 2019 ay dinoble  ngayong 2022 na umabot sa P16.1 bilyon upang matulungang maiangat ang buhay ng mga nasa laylayan

Kasama din anya  na makikinabang dito ang mga jeepney drivers at iba pang driver na higit na naapektuhan ng pagtaas ng halaga ng gasolina.

Magkakaroon ng dagdag na itatayong LGU owned hospital sa ibang distrito at palalakasin pa ang mga programang pangkalusugan sa mga barangay.

Higit pa anyang palalawakin ang mga programa sa edukasyon at pagpapasigla ng ekonomiya dahil sa mga nagawa ng mga programa para sa mga taga-QC.

Pinasalamatan din ni Mayor Belmonte ang mga taga-QC sa muling pagtitiwala sa kanya na mapangasiwaan ang lungsod na patunay lamang na walang katiwalian at walang nasasayang na pondo sa ilalim ng kanyang pangasiwaan.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with