^

Metro

P.7 milyong drug bust: 8 dakma

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang isang notoryus na tulak ng ilegal na droga at nalambat din ang pito niyang parokyano sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ferdinand Calaguas, alyas Ferdie, 55, miyembro ng Commando Gang, at residente ng Gagalangin, Tondo.

Nadakip din ang hinihinalang mga buyers na sina Roland Opiz, 46; Jeffrey Mariano, 48; Anselmo Avila, 45; Jose Rodriguez, 48; Mark Glenn Gonzales, 22; Anna Marie Aguilar, 31; at Haila Balayanan, 29.

Umabot naman sa P788,000 ang halaga ng nasa 116 gramo ng hinihinalang shabu na nasabat sa operasyon na ikinasa dakong alas-7 ng gabi sa may kanto ng Herrera at Lacson Streets sa Brgy. 344, Sta. Cruz.

Target ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Sta. Cruz Police Station ang suspek na si Calaguas na notoryus sa lugar sa lantarang pagtutulak ng shabu. Natiyempo naman na nakasabay ng poseur buyer ang pitong iba pang buyers na inaresto rin ng mga pulis nang mapalibutan sila.

Nahaharap si Calaguas sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 (Distribution and Illegal Possesion of Illegal Drugs) na walang piyansa habang ang iba pa ang nahaharap sa kasong “possesion of illegal drugs”.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with