Bebot timbog sa P3.5 milyong shabu

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Renato Castillo ang naarestong suspek na si Meljorie Felix, alyas Tibo, 42, ng Barrio Sta. Rita, Camaito St. Barangay 188, Tala, ng lungsod.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa babaeng ‘tulak’  sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Renato Castillo ang naarestong suspek na si Meljorie Felix, alyas Tibo, 42, ng Barrio Sta. Rita, Camaito St. Barangay 188, Tala, ng lungsod.

Sa report ni Castillo kay NPD Director PBGen. Ulysses Cruz, dakong alas-5 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU ng operasyon sa Riverside St., Phase 12, Brgy. 188, Tala kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P35,000 halaga ng droga.

Agad na dinamba ng mga pulis ang suspek nang tanggapin  ang marked money mula sa poseur-buyer.

Nakumpiska kay Felix ang humigi’t- kumulang 525 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.

Sasampahan ang suspek ng kasong pag­labag sa section 5, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Show comments