Wattah! Wattah! Festival’, aarangkada ulit sa San Juan

MANILA, Philippines — Aarangkada nang muli ang tradisyunal na Wattah! Wattah! Festival sa San Juan City, kasabay nang pagdaraos ng araw ng kapistahan ni St. John the Baptist, ngayong Biyernes, Hunyo 24.

Magugunitang dalawang taong hindi nakapagdaos ng tradisyunal na festival ang lungsod dahil na rin sa CO­VID-19 pandemic.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, pinapayagan naman ang mga ganitong uri ng aktibidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1.

Pagtiyak pa niya, ligtas din ang pagdaraos ng selebrasyon lalo’t nasa 265% na ang vaccination rate sa lungsod, habang nasa 85% ng populasyon ang nabigyan na ng booster shot.

“Dito sa San Juan, napakataas ng vaccination rate. In fact, 265 percent po ang ating fully-vaccinated na at tayo rin po ang nangunguna sa booster shots at 85 percent. ‘Yung ating mga mamamayan ay protektado na ng bakuna,” ani Zamora.

Mahigpit din naman ang paalala ni Zamora sa mga constituents na tumalima sa minimum public health standards sa pagdaraos ng aktibidad.

Show comments