^

Metro

Part 2 ng fuel subsidy, tigil muna - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tigil na  muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) ang pamamahagi sa second tranche ng fuel subsidy sa mga driver ng mga pampasaherong sasakyan na apektado nang pagtaas sa presyo sa produktong petrolyo.

Sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion, ipauubaya na ng board sa susunod na administrasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng naturang ayuda.

Binigyang diin ni Cassion na  kailangan munang hintayin kung ano ang magiging sistema at patakaran ng bagong administration sa subsidy program.

Binanggit pa nito na  base sa original na budget na nakasaad sa General Appropriations Act, nasa P2.5 bilyon ang nakalaang pondo para sa 300,000 benepisyaryo ng fuel subsidy sa second tranche.

Sa ngayon, sinabi ni Cassion na may natitira pang 50,000 na benepisyaryo ang hindi pa nakatatanggap ng fuel subsidy sa first tranche.

Nakipag-usap na anya ang LTFRB sa Land Bank of the Philippines para maipapasok na ang ayuda sa mga hindi pa nakatanggap ng first tranche sa mga automated teller machines sa loob ng linggong ito.

“For other modes naman po ay natapos na natin iyong almost 20,000 na po na disbursement and then, ganito na rin po iyong mga nabibigyan. May isinauli po tayo sa DTI na around 5,000 plus po na na-reject po ng system ng Landbank, because invalid accounts po. So, inaantay po natin at lagi naman po tayong nakikipag-coordinate with DTI para maibalik po iyong tamang listahan at tamang accounts po,” pahayag ni Cassion.

Samantala, maipagpapatuloy umano ang pagkakaloob ng pamahalaan ng libreng sakay sa mamamayan kung magkakaroon ng kailangang supplemental budget para dito ang susunod na administrasyon.

Ang naturang programa ay takdang matapos sa June 30.

Sinabi ni Cassion na may  80 percent na ng pondong nailaan dito ng pamahalaang Duterte ay naubos na.  Ang lib­reng sakay anya ay may  942 ruta  at may 16,691 units ang nakapaloob sa programa at may 761 operators at ­cooperators.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with