P720K shabu nasamsam sa 2 ‘tulak’

MANILA, Philippines — Nasa P720,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa dalawang high value individual (HVI) na target sa isinagawang buy-bust operation ng Las Piñas City Police Station, kahapon.

Kinilala ni P/Colonel Jaime Santos, hepe ng Las Piñas Police Station ang mga nadakip na suspek na sina Renald Manzala,  alyas Doy, HVI, 40 at Francis Fkores Villanueva, 45, driver, kapwa residente ng Las Piñas City.

Dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang madakip ang mga suspek sa Purple Road, Brgy. Gatchalian Subd. Brgy Manuyo Dos, Las Piñas City,Narekober mula kina Manzala at Villanueva ang kabuuang 106 gramo ng shabu.

Show comments