45 BI officers sa ‘Pastillas’ pinasisibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines — Pinasisibak ng Office of the Ombudsman (OMB) sa serbisyo ang 45 officials at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas” extortion scheme.
Batay sa 143-page decision ng Ombudsman noong March 21, napatunayang nagkasala o “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service” ang 45 na BI officials at employees.
Sa kabila nito ibinasura naman ng Ombudsman dahil sa lack of jurisdiction sa kasong administratibo sina dating BI-POD chief Marc Red A. Marinas, Angelica B. Omamppo, Yanni M. Hao, Cathy D. Du, at George Gilbert T. Ong.
Ibinasura rin ang kasong serious o gross dishonesty at gross neglect of duty laban sa 40 iba pa.
Tinawag na “Pastillas” dahil mistulang pastillas na candy ang bribe money na binibigay ng mga dayuhan sa mga BI employee na ilegal na pumapasok sa bansa.
Sinabi naman ni DOJ Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto, ang mga sinibak ang nag-aasikaso at gumagawa ng paraan upang makapasok sa bansa ang mga dayuhan partikular ang mga Chinese nang hindi dumaraan sa immigration.
- Latest