^

Metro

PNP, NBI officials kakasuhan ng online gaming firm

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda umano magsampa ng mga kaso ang Globaltech Mobile Online Corp., sa Court of Appeals (CA) at sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) kung ipagpapatuloy umano ang ma­ling pag-akusa ng mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo, katumbas ng paglapastangan sa Court of Appeals at sa Pasig City RTC ang ginagawa ng mga opisyal ng PNP at NBI sa kanilang pagbalewala sa status quo ante (SQA) order ng Pasig City RTC na pinagtibay naman ng CA kung saan pinayagan ng korte na mag-ope­rate sa buong bansa ang “Peryahan ng Bayan” na palaro ng kumpanya.

Grave misconduct din ang maaring ikaso naman sa Office of the Ombudsman sa mga ahente o tauhan ng PNP at NBI na sumisiil sa Peryahan ng Bayan na palaro ng Globaltech.

Paliwanag ni Vitriolo, nasa ilalim ng arbitras­yon ang kaso sa kanilang pagitan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) kaugnay sa Deed of Authority na binigay sa kanila ng PCSO para sa nationwide na pagpatakbo ng Peryahan ng Bayan na palaro.

Nagsimula ang kasuhan sa pagitan ng PCSO at Globaltech sa Pasig RTC ng sinubukan bawiin ng PCSO ang DOA ng Globaltech ilang taon na ang nakalipas.

Humantong ito sa Court of Appeals na nagdesisyon nuong January 14, 2019 na pigilan ang PCSO sa pagreboka ng DOA ng Globaltech para sa kanilang Peryahan na palaro, at inapirmahan din nito ang SQA order na linabas ng Pasig RTC at pag-utos na sumailalim sa arbitrasyon ang Globaltech at PCSO.

vuukle comment

CA

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with