^

Metro

Face mask mandatory pa rin, mga lalabag, aarestuhin - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Face mask mandatory pa rin, mga lalabag, aarestuhin - DILG
Nagbabala ang pamunuan ng DILG na mahaharap sa pagkaaresto ang sinumang lalabag sa mandato ng face mask na nananatiling mandatory sa ilalim ng panuntunan ng IATF.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na aarestuhin ang sinumang mahuhuling hindi nagsusuot ng face masks dahil nananatili pa rin aniya itong mandatory, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ang babala ay ginawa ng kalihim kasunod ng inilabas na Executive Order ni Cebu Governor Gwen Garcia na gawing opsiyonal na lamang ang pagsusuot ng mga mamamayan ng face mask sa kanilang lalawigan kung nasa labas at mandatory na lamang kung sila ay nasa mga closed areas o sa mga nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Año, hindi kinikilala ng DILG ang naturang executive order ni Garcia dahil mayroon silang ipinaiiral na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang aprubado ng pangulo.

“The President has directed that we will continue to wear face masks except under circumstances defined by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EMID). Current IATF protocols allow only for specific instances when masks can be taken off, such as when eating or during certain well-ventilated sports and activities,” ani Año, sa isang pahayag.

Binigyang-diin pa ng kalihim na ang pagtalima ng lahat sa minimum public health standards (MPHS) ang siyang susi upang magapi natin ang pandemyang ito.

Paliwanag pa niya, ang pagsusuot ng face masks, na sinamahan ng COVID-19 vaccination at boosters ay malaking tulong upang mapanatiling mababa ang mga COVID-19 cases sa bansa, sa kabila nang pagsusulputan ng mga bago at mas nakahahawang subvariants ng virus.

Aniya pa, hindi lamang ang COVID-19 ang nilalabanan ng virus, kundi maging ang iba pang infectious at respiratory diseases, gaya ng monkeypox, na maaaring makapasok din sa Pilipinas.

Pinaalalahanan pa ng DILG chief ang publiko at lahat ng local government units (LGUs) na ang pandemya ay hindi pa tapos, at ang banta ng COVID-19 virus ay nananatili pa rin.

Maaari pa rin aniyang mahawa ang mga mamamayan, partikular na ang vulnerable population, gaya ng mga senior citizen.

“We should therefore be vigilant, continue our adhe­rence to all MPHS and get vaccinated or boosted immediately,” aniya pa.

vuukle comment

FACEMASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with