^

Metro

Pasig LGU, may job fair ngayong Araw ng Kalayaan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maglulunsad ang Pasig City local government ng job fair para sa kanilang mga residente ngayong Linggo, kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

Sinabi ng city government na ang job fair ay idaraos sa Pasig Sports Complex mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Anang lokal na pamahalaan, aabot sa 67 kompanya ang lalahok sa job fair at nasa 9,503 job vacancies ang kailangang punuan ng mga ito.

“Kaya naman hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga first time job seekers na dumalo at maghanda ng maraming kopya ng inyong mga resume,” anang lokal na pamahalaan.

Nabatid na ang naturang job fair ay magsisilbi ring one-stop-shop para sa mga employment requirements kung saan ang mga attendees ay maaari nang magproseso ng kanilang mga dokumento mula sa Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), Pag-Ibig, at police clearance mula sa Philippine National Police (PNP).

Pinaalalahanan naman ng city government ang mga first time job seekers na magpuproseso ng kanilang libreng police clearance na magdala ng kanilang Barangay Certificate at Oath of Undertaking mula sa kani-kanilang barangay, upang patunayang sila ay first time job seekers nga.

vuukle comment

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with