^

Metro

Rali sa inagurasyon ni Marcos sa mga freedom parks lang – MPD

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rali sa inagurasyon ni Marcos sa mga freedom parks lang � MPD
Tension arose after activist groups tried to go in front of the Commission on Human Rights along Commonwealth Avenue on May 25, 2022 to stage a protest rally and oppose the canvassing of the House of the Representative in Batasan, Quezon City.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Limitado lamang sa mga ‘freedom parks’ sa Maynila maaaring magsagawa ng kanilang rally ang mga militanteng-grupo na sasabay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum, ayon sa Manila Police District (MPD).

Tinukoy ni MPD Public Information Office chief PMajor Phillip Ines ang mga lugar na Plaza Miranda sa Quiapo, Plaza Dilao sa Paco, Plaza Moriones sa Tondo at Liwasang Bonifacio sa Ermita na mga itinalagang ‘freedom parks’.

Ito ay makaraan ang reklamo ni Renato Reyes ng grupong Bayan, sa pagbabawal ng pulisya na magsagawa ng ‘ilegal na rally’ ang mga militante lalo na kung wala silang hawak na ‘permit to rally’.

Ayon kay Reyes, isa umanong uri ng intimidasyon para pigilan ang mga tao na maisagawa ang kanilang karapatan para magtipon ng payapa.  Wala rin umanong terminong ‘illegal rallyists’ hanggang mapayapa naman ang kanilang pagkilos.
“You can’t be arrested, you can’t be penalized for peacefully exercising your constitutional right even if you don’t have a rally permit,” giit ni Reyes.

Habang isinusulat ito, wala pang natatanggap ang Manila Bureau of Permits ng anumang request o sulat para magkasa ng kilos protesta ang sinuman sa araw mismo ng inagurasyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Ines na magpapatupad sila ng ‘maximum tolerance’ sa mga raliyista habang pipigilan sila na makalapit sa National Museum na idineklarang ‘no rally zone’.

Libu-libong pulis mula sa MPD, National Capital Region (NCR) at mga force multiplies ang ikakalat sa bisinidad ng National Museum at iba pang lugar sa Maynila para matiyak ang kapayapaan ng naturang makasaysayang inarugasyon.

vuukle comment

MPD

RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with