^

Metro

3 timbog sa ‘e-sabong’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang tatlong lalaki na nadakip sa pagsalakay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang bahay na nagsasagawa ng ‘gerilya style e-sabong operations’ sa Tondo kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Melvin Isip, 25, itinuturong maintainer at operator ng e-sabong; Mark Jorge Reyes, 27, cashier; at Archie Balmes, kubrador.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon nang salakayin sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region katuwang ang Manila Police District-Raxabago Police Station 1 ang bahay sa may Magsaysay St., Brgy. 112, Tondo, na ilegal na nagsasagawa ng ‘e-sabong operations’.

Isang operatiba ang nagpanggap na mananaya at nagawang makataya nang mag-abot ng bayad sa mga suspek.  Dito na sinalakay ng mga pulis ang loob ng naturang bahay at pinosasan ang tatlong suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang limang computer desktops, tatlong unit ng LAN router, 2 cellular phones, habang narekober ang P1,000 marked money na gagamiting ebidensya sa mga suspek.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa  PD 1602 (Illegal Gambling) in relation to RA 10175 (Anti-Cybercrime Law).

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with