^

Metro

PGH umaapaw sa non-COVID-19 patients

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
PGH umaapaw sa non-COVID-19 patients
This undated file photo shows the Philippine General Hospital in Manila.
The STAR, File

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinahin­to ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap ng ibang pasyente sa kanilang Emergency Room maliban sa mga ‘life and limb-threatening emergencies’ dahil sa pag-apaw na ng maysakit na isinusugod dito.

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na kasalukuyang nasa 150 pasyente ang nasa kanilang ER na lagpas na umano ito sa 70 kapasidad ng kama ng ER.

Itinigil na rin umano nila ang elective procedures para matutukan ang mga mas malalalang kaso ng pasyente.

Nabatid nga na 200% na sa kapasidad  ang pasyente sa pagamutan, pero hindi dahil sa COVID.

Idinagdag pa nito na ang mga naka-confine na pas­yente na may COVID-19 sa PGH ay wala pang 20 at karamihan sa kanila ay moderate lamang ang sintomas.

Karamihan aniya sa mga pasyente ay naka-confine dahil sa pneumonia, diabetes, sakit sa puso, sakit sa baga at sakit sa bato. Mayroon ding mga pasyente na dinala mula sa ibang mga ospital.

Pinayuhan ni Del Rosario ang mga pasyente na nais magpagamot  sa PGH na magtungo sa kanilang mga lokal na ospital o mga secon­dary provincial hospitals kung hindi naman talaga emergency ang lagay.

Nagdagdag na din aniya ang PGH ng hindi bababa sa 10 hanggang 15 na kama - na hindi lahat ay hospital bed kundi stretcher bed lamang para ma-accommodate ang mas maraming pasyente.— Malou ­Escudero

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with