Libreng shuttle ride sa airports, handog ng Grab sa loob ng 15 araw
Handog pasasalamat kay Pangulong Duterte
MANILA, Philippines — Magkakaloob ng libreng airport shuttle rides ang Grab Philippines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa loob ng 15 araw o mula Hunyo 15 hanggang Hunyo 30.
Ayon kay Transportation Undersecretary for road sector Mark Steven Pastor, ang libreng sakay ay mula alas-8 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi sa NAIA Terminals 2 at 3.
Ayon kay Pastor, ang hakbang ay inisyatiba ng Grab bilang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ang Grab ay nagtalaga ng 100 units para magsakay ng libre sa panahon ng promo.
- Latest