^

Metro

Parak nang-molestiya sa 15-anyos na binatilyo, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Parak nang-molestiya sa 15-anyos na binatilyo, arestado
Ayon sa binatilyo, hinawakan umano ng pulis ang kaliwang balikat at dibdib niya at gumapang sa pantalon at maselang bahagi niya.  Ipinasok pa siya umano ng pulis sa isang opisina at doon itinuloy ang umanao’y pang-aabuso.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng kaniyang mismong mga kabaro ang isang pulis sa Las Piñas City makaraang ireklamo nang pangmomolestiya ng isang 15-anyos na binatilyo na naganap sa loob mismo ng istasyon ng pulisya kahapon.

Pansamantalang itinago ng pulisya ang pagkaka­kilanlan sa biktima at maging sa pulis na inaakusahan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pananamantala umano ng suspek habang nagsasagawa ng morning devotion at Bible study ang ina ng biktima, na isang pastora na nakadestino sa Alabang Zapote station.  Lumabas ang binatilyo na nilapitan ng pulis na nagsisilbing desk officer ng naturang oras.

Ayon sa binatilyo, hinawakan umano ng pulis ang kaliwang balikat at dibdib niya at gumapang sa pantalon at maselang bahagi niya.  Ipinasok pa siya umano ng pulis sa isang opisina at doon itinuloy ang umanao’y pang-aabuso.

Matapos nito, isinumbong ng binatilyo sa ina ang pangyayari na agad namang nagsampa ng rek­lamo.

Mismong si Las Piñas City Police chief Colonel Jaime Santos pa ang nagtungo sa istasyon at umaresto sa kaniyang tauhan.  Nangako rin siya  na masusing iimbestigahan ang reklamo at sasampahan ng kaso ang kaniyang tauhan kapag napatunayan ang kaniyang kasalanan.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na nakatakdang sampahan ng sexual assault at paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

vuukle comment

LAS PIñAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with