^

Metro

15-anyos na dalagita, tinangkang dukutin sa Las Piñas, 1 suspect timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 33-anyos na lalaking nagtangkang dumukot sa isang 15-anyos na dalagita sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi (Mayo 25).

Kinilala si Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Leonard Dela Cruz Alfaro.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules nang maganap ang tangkang pagtangay sa biktima na itinago sa pangalang Mae, sa tapat ng isang pawnshop sa Marcos Alvarez Ave., Brgy. Talon 5, Las Piñas City.

Sa salaysay ng 15-anyos na biktima, na ka­makalawa ng gabi ay bigla na lamang may pumaradang sasakyan sa kanyang tabi at bumaba ang isang lalaki kung saan hinila siya at sapilitang pinasasakay sa loob ng sasakyan. Armado ng baril ang suspect na tinakot pang papatayin ang biktima.

Nagawang makatakbo ng biktima kung saan tinulungan siya ng mga nakasaksing motorcycle riders. Dahil dito kaya mabilis na lamang na tumakas ang mga suspect.

Habang ang biktima na nagsumbong sa ama ay agad humingi ng saklolo sa Barangay Talon 5, Las Piñas City.

Sa isinagawang joint follow-up operation ng Special Operations Unit at Women and Children Protection Desk, nadakip ang isa sa suspek na nasamsaman kung saan nasamsam dito ang isang sling bag na may lamang isang granada at isang Magnum 357 na may 5 bala.

Kaugnay nito at kinasuhan na ang nadakip na suspect.

vuukle comment

ARREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with