^

Metro

38 pang pamilya, nabiyayaan ng lupa ng Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa 38 pang pamilya sa tinitirikan ng kanilang mga bahay sa lungsod.

Bunga nito, matatawag nang sariling lupa ng mga benepisyaryo ang lupang kinatatayuan ng kanilang bahay na matagal na nilang inookupahan.

Ayon kay Mayor Belmonte, naipamigay ang titulo sa pamamagitan ng Direct Sale Program ng lungsod.

Kasama ni Belmonte sa pamimigay ng land title ang representatives ng Housing and Community Development Resettlement Department (HCDRD).

Kabilang sa mga benepisyaryo  ng programang ito ni Mayor Belmonte ay ang mga residente mula sa Barangay Baesa (Asamba), Escopa III (PUD SITE), Bagong Silangan (Proper), Bagong Silangan (Co­venant), Kaligayahan (Phase II), Fairview (Sitio Ruby), Brgy. Novaliches Proper (Fantasy HOA), Brgy. Bungad, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Payatas (Sandig), at Brgy. Kaligayahan (QCHP No. 2).

Sa ilalim ng Direct Sale Program, na­ging lehitimong may-ari ng lupa ang mga residente na matagal nang naninirahan sa lote na pagmamay-ari ng gobyerno.

Ayon kay Belmonte, nabayaran ng mga benepisyaryo ang halaga alinsunod sa terms of payment ng lokal na pamahalaan.

Simula noong 2019, mahigit 340 QCitizen families na ang nabigyan ng titulo ng kanilang lupa sa ilalim ng administrasyong Belmonte.

vuukle comment

BAHAY

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with